Biomes O' Plenty | |
---|---|
Kasalukuyang developer | TDWP_FTW, ted80, Amnet, Adubbz |
Bersyon | 11.0.0.393 |
Suportadong bersyon ng Minecraft | 1.16.1 |
Kinakailangan sa | BiblioWoods (Biomes O' Plenty) |
URL | Kawing |
Server sa Discord | Kawing |
Channel sa IRC | #biomesoplentyconnect |
Ang Biomes o' Plenty ay isang worldgen na mod na gawa nina TDWP_FTW, ted80, Amnet, at Adubbz na nagdadagdag ng 80 na bagong mga biome at 12 na mga sub-biomes, mga bagong hiyas at isang bagong dimensyon. Nagdadagdag rin ito ng mga bagong baluti, halaman, pagkain at kasangkapan sa laro. Ang mod na ito ay hindi lamang nakapokus sa mga biome na makatotohanan kundi may mga biome na pantasya. Mga halimbawa nito ay ang Fungi Forest at Garden.
Ito ay nagdadagdag ng maraming mga biome para galugarin ng manlalaro, at ito'y bagay sa marami pang ibang mga mod gaya ng Mystcraft.
Sa mga ibang modpack, hindi pinagana ang Biomes O' Plenty sa unahan at maaaring igana sa Launcher ng FTB. Dapat piliin rin ng manlalaro ang "Biomes O Plenty" at hindi ang "Default" sa paglikha ng mundo kapag gusto ang paglikha ng Biomes O' Plenty sa kanilang mundo.
Pinalit ng Biomes O' Plenty ang ExtrabiomesXL sa mga opisyal na mga modpack sa 1.6.4 pataas.
Naidagdag ang makabagong dimensyon, ang "Promised Land", sa mga lumang berson, na nagdadagdag ng bagong mundo puno ng mga bloke at mob ng Biomes O' Plenty. May pagkakatulad ang mundong ito sa Aether na may lumulutang na mga isla at ibon, at mga bagong halaman at bato.
Mga panlabas na kawing
- Biomes O' Plenty sa CurseForge
- Biomes O' Plenty's sa Minecraft Forums
- Opisyal na subreddit ng Biomes O' Plenty
- Biomes O' Plenty sa GitHub
Biomes O' Plenty |
---|
Template:Navbox Category Biomes/tl